We've got 48 competencies loaded for this subject — Good Manners and Right Conduct for Grade 4 under MATATAG. Use this page to scan the term breakdown (3 terms), pull Budget of Work when it's available, and jump straight into an AI plan that already knows DepEd's SY 2026-2027 calendar. No more hunting through three different folders on a Sunday night.
Nakapagsasabuhay ng pagiging masunurin sa pamamagitan ng panghihikayat sa iba na tumalima sa mga alituntunin sa pamayanan.
Masunurin (Obedience)Naiisa-isa ang mga alituntuning sinusunod ng pamilyang kinabibilangan sa pamayanan.
Masunurin (Obedience)Naipaliliwanag na ang pagtupad ng pamilya sa mga alituntunin ng pamayanan ay mahalagang gampanin para sa ligtas, maayos at mapayapang lipunan.
Masunurin (Obedience)Nailalapat ang mga alituntuning sinusunod ng pamilyang kinabibilangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Masunurin (Obedience)Naisasakilos ang mga wastong pagtugon sa mga itinakdang situwasyon na nagbibigay-pagkakataon na ipakita ang kaniyang katapatan.
Matapat (Honest)Naipaliliwanag na ang mga gawain ng katapatan sa pamayanan bilang indikasyon ng pananampalataya ay patunay ng pagsasabuhay ng mga aral ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala.
Matapat (Honest)Naisasabuhay ang pagiging matapat sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga bagay na hindi kaniya, pagiging totoo sa salita, at gawa.
Matapat (Honest)Naipaliliwanag na ang sariling kakayahang mag-isip at magmahal na natatangi sa tao ay magagamit niya upang mapabuti ang kaniyang mga gawi at pakipag- ugnayan sa kapwa.
Naisasabuhay ang pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa mga sariling kakayahan na wala sa ibang nilalang (hal. kakayahang magpasiya, umunawa ng damdamin ng iba).
Nakapag-aangkop ng mga kilos na nagpapakita ng kakayahang mag-isip at magmahal ng tao bilang bahagi ng kaniyang pagkabukod-tangi.
Napangangatuwiranan na ang mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya ay tungkulin at pananagutan ng bawat isa tungo sa masaya at matatag na samahan.
Nakapagsasanay sa pagiging matapat sa pamamagitan ng angkop na paglalahad ng tunay sa loobin sa mga kasapi ng pamilya.
Naisasakilos ang mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya na nagpapanatili ng masaya at matatag na Samahan.
Naipaliliwanag na ang pagkilala sa sariling pananampalataya ay nagsisilbing gabay upang mas mapabuti ang mga kilos at mailapit ang sarili sa Diyos.
Naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng mga paraan ng pagsamba at pagsunod sa mga tagubilin ng kinabibilangang pananampalataya.
Naisasakilos ang wastong pamimili ng lider sa paaralan batay sa mga katangian ng mabuting pamumuno.
Karunungan (Wisdom)Naipaliliwanag na ang mga mabuting katangian ng lider-estudiyante na makatutulong sa bayan ay nakapagkikintal ng wastong pananaw tungkol sa mapanagutang pamumuno at pagpili ng karapat-dapat na lider.
Karunungan (Wisdom)Naiisa-isa ang mga mabuting katangian ng lider- estudiyante na makatutulong sa pamayanan.
Karunungan (Wisdom)Nakapagsasanay sa karunungan sa pamamagitan ng pangingilatis ng mga pipiliing lider-estudyante batay sa katangian ng mabuting pamumuno.
Karunungan (Wisdom)Naipaliliwanag na ang mga sariling gawi sa pangangalaga sa mga puno at halaman ay dapat linangin sa bawat bata bilang bahagi ng kaniyang pagiging katiwala sa pagpapanatiling ligtas, malinis at maayos ang kapaligiran.
Naipakikita ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing pangangalaga at pagpaparami ng mga puno at halaman.
Naipaliliwanag na ang sariling kamalayan sa mga mabuting kaugaliang Pilipino ay mahalaga upang maiangkop ang mga kilos at pag-iisip na katangi-tangi sa lahing pinagmulan.
Naisasakilos ang mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop bilang bahagi ng kapaligiran.
Mapagmalasakit (Compassion)Nakapagsasanay ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga gawain na nagtatampok sa mga Pilipinong nagsasabuhay ng mabuting kaugalian.
Natutukoy ang mga pansariling taglay na mga mabuting kaugaliang Pilipino (hal. masayahin, madasalin, masipag).
Naipaliliwanag na ang pangangalaga sa hayop bilang bahagi ng kapaligiran ay tungkulin ng tao bilang isang mabuting katiwala upang mapanatili ang buhay at kalusugan.
Mapagmalasakit (Compassion)Nailalarawan ang mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop bilang bahagi ng kapaligiran.
Mapagmalasakit (Compassion)Naisasabuhay ang pagiging mapagmalasakit sa mga hayop sa pamamagitan ng pagiging sensitibo at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.
Mapagmalasakit (Compassion)Naisasabuhay ang tiwala sa sarili sa pamamagitan ng paglahok sa mga programang pampaaralan na nagpapaunlad ng mga kakayahan, talento at hilig nang may paggabay ng pamilya.
Nakalilikha ng mga paraan upang maipagmalaki at tangkilikin ang mga makasaysayang lugar sa pamayanang kinabibilangan.
Nasyonalismo (Nationalism)Naipaliliwanag na ang mga makasaysayang lugar sa pamayanang kinabibilangan ay mahalagang kilalanin, pangalagaan at pagyamanin upang ipaalala ang mga kabayanihan ng mga Pilipino o ang kahalagahan ng kasaysayan ng lugar.
Nasyonalismo (Nationalism)Naiisa-isa ang mga makasaysayang lugar sa pamayanang kinabibilangan.
Nasyonalismo (Nationalism)Nakapagpapasidhi ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng interes at kamalayan sa kasaysayan ng mga lugar bilang unang hakbang sa pagpapalaganap ng mga ito.
Nasyonalismo (Nationalism)Nailalapat ang sariling pagpapaunlad ng mga sariling kakayahan, talento at hilig nang may paggabay ng pamilya.
Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng sariling kakayahan, talento at hilig nang may paggabay ng pamilya ay nakapag-aangat ng tiwala sa sarili at kalooban upang gawin ang kaniyang mga tungkulin.
Naiisa-isa ang mga sariling kakayahan, talento at hilig ng isang bata na kailangang paunlarin nang may paggabay ng pamilya.
Pick a competency from Grade 4 Good Manners and Right Conduct and get a complete Ilaw-format lesson plan in minutes.
Start Generating — Free