We've got 64 competencies loaded for this subject — Values Education for Grade 8 under MATATAG. Use this page to scan the term breakdown (3 terms), pull Budget of Work when it's available, and jump straight into an AI plan that already knows DepEd's SY 2026-2027 calendar. No more hunting through three different folders on a Sunday night.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa mga hayop sa pamamagitan ng pagbibigay ng kailangang resorses ng mga ito ayon sa sariling kakayahan.
Mapagmalasakit (Compassion)Nakakikilala ng mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop katuwang ang kapuwa.
Mapagmalasakit (Compassion)Napatutunayan na ang pangangalaga sa mga hayop katuwang ang kapuwa ay aktibong pakikibahagi bilang mabuting katiwala ng mga nilikha ng Diyos.
Mapagmalasakit (Compassion)Nailalapat ang mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop katuwang ang kapuwa.
Mapagmalasakit (Compassion)Nakapagsasanay sa pakikiisa sa pamamagitan ng wastong pakikitungo sa ibang lahi kung may pagkakataon o pakikisangkot sa mga pandaigdigang gawain na nagsusulong ng kabutihang panlahat.
Pakikiisa (Cooperation)Natutukoy ang mga katangian ng Pilipino bilang kapuwa mamamayan ng daigdig.
Pakikiisa (Cooperation)Nahihinuha na ang mga Pilipino bilang kapuwa mamamayan ng daigdig ay may katangi-tanging paraan ng pagkalinga sa kapuwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi at may kakayahang makiisa sa mga pandaigdigang gawain na nagsusulong ng kabutihang panlahat.
Pakikiisa (Cooperation)Naipakikita ang mga katangian ng Pilipino bilang kapuwa mamamayan ng daigdig.
Pakikiisa (Cooperation)Nailalapat ang mga paraan ng pagiging bukas-palad sa kapuwa bilang salamin ng pananampalataya.
Matiyaga (Perseverance)Naipaliliwanag na ang pagiging bukas-palad sa kapuwa bilang salamin ng pananampalataya ay pagtugon sa tungkuling ibahagi ang mga kaloob ng Diyos nang may pagsasaalang-alang sa pangangailangan ng kapuwa.
Matiyaga (Perseverance)Natutukoy ang mga paraan ng pagiging bukas-palad sa kapuwa bilang salamin ng pananampalataya.
Matiyaga (Perseverance)Nakapagsasanay sa pagiging mapagbigay sa pamamagitan ng kusang-loob na pagtulong sa kapuwa gamit ang sariling oras, talento o resorses.
Matiyaga (Perseverance)Nakapagsasanay ng kapayakan sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa mga pangangailangan kaysa sa kagustuhan.
Nakapagpapahayag ng mga paraan ng payak na pamumuhay bilang pansariling pag-iingat sa kalikasan.
Nahihinuha na ang payak na pamumuhay at wastong pagkunsumo ay kailangan bilang pakikiisa ng tao sa pag-iingat sa kalikasan.
Naisasakilos ang mga paraan ng payak na pamumuhay bilang pansariling pag-iingat sa kalikasan.
Nailalapat ang mga paraan ng sariling pag-iimpok at pagtitipid upang makatulong sa pamayanan ayon sa kakayahan.
Naiisa-isa ang mga paraan ng sariling pag-iimpok at pagtitipid upang makatulong sa pamayanan ayon sa kakayahan.
Naipaliliwanag na ang sariling pag-iimpok at pagtitipid upang makatulong sa pamayanan ay aktibong pakikibahagi sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga gawaing nagtatampok ng pagtitipid at pag-iimpok upang makatulong sa pamayanan (hal. pagbibigay ng mga lata, bote, pahayagan na maaaring ibenta).
Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pagninilay sa kamalayan sa mga emosyong nararamdaman, kilos, pag-iisip, at reaksiyon ng katawan.
Napatutunayan na ang emosyong nararamdaman ay nakatutulong upang lubos na makilala ang sarili at makatugon nang wasto sa mga nararamdaman sa bawat situwasyon tungo sa pagpapaunlad ng sarili at ugnayan sa kapuwa.
Nailalapat ang mga sariling tungkulin sa pakikilahok ng pamilyang kinabibilangan sa mga gawaing pangkapayapaan ng bayan.
Pakikiisa (Cooperation)Naipaliliwanag na ang pakikilahok ng pamilya sa mga gawaing pangkapayapaan ay nakatutulong sa pagpapanatili ng pagtutulungan, pagkakaisa at katiwasayan ng bayan.
Pakikiisa (Cooperation)Natutukoy ang mga kilos ng pakikilahok ng pamilya sa mga gawaing pangkapayapaan ng bayan.
Pakikiisa (Cooperation)Nakapagsasanay sa pakikiisa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga programa na maaaring lahukan ng pamilya na tumutugon sa kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan.
Pakikiisa (Cooperation)Naipaliliwanag na ang tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng bata ay paunlarin ang mga kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng bawat bata tungo sa matagumpay at makabuluhang buhay na ginagabayan ng katotohanan at kabutihan.
Nailalapat ang mga tungkulin sa sariling edukasyon bilang pagtugon sa tungkulin ng pamilya.
Nakapagsasanay sa pagiging masipag sa pamamagitan ng paggawa hanggang matapos ang mga itinakdang gawain sa pag-aaral sa kabila ng mga hamon/limitasyon.
Naipaliliwanag na ang positibong pananaw gabay ang pamilya ay may impluwensiya sa kalusugang pangkaisipan at pangkatawan, na nagsisilbing kanlungan sa lahat ng panahon at ito ang naglilinang ng katatagan.
Nakapagsasanay sa pagiging matatag sa pamamagitan ng mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga positibong pananaw gabay ang pamilya.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagiging sensitibo at wastong pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa.
Naipaliliwanag na ang pakikipagkapuwa-tao ay nakaugat sa kalikasan ng tao bilang panlipunang nilalang at naglilinang ng kaniyang kaganapan bilang tao sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na indikasyon ng pagmamahal.
Nakapagsasanay ng nasyonalismo sa pamamagitan ng kahandaan sa kahihinatnan ng mga sariling pasiya o kilos sa kapuwa mamamayan.
Nasyonalismo (Nationalism)Nailalapat ang mga paraan ng paggamit ng kalayaan sa mapanagutang pagsunod sa mga alituntunin sa bayan ayon sa kaniyang kakayahan.
Nasyonalismo (Nationalism)Natutuklasan na ang paggamit ng kalayaan sa mapanagutang pagsunod sa mga alituntunin ay may kaakibat na tungkuling piliin at gawin ang mabuti para sa bayan.
Nasyonalismo (Nationalism)Nakapagpapahayag ng mga paraan ng paggamit ng kalayaan sa mapanagutang pagsunod sa mga alituntunin sa bayan.
Nasyonalismo (Nationalism)Nakakikilala ng mga wastong pagtugon ng mga mamamayan sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman (endangered species).
Paggalang sa buhay (Respect for life)Nakapagsasanay sa paggalang sa buhay sa pamamagitan ng panghihikayat sa kapuwa ng wastong pag-iingat sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman(endangered species).
Paggalang sa buhay (Respect for life)Naisasakilos ang mga wastong pagtugon ng mamamayan sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman (endangered species).
Paggalang sa buhay (Respect for life)Nahihinuha na ang pagtugon ng mga mamamayan sa pangangalaga sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman (endangered species) ay pagtiyak ng kaligtasan at pagpapanatili ng balanse ng kalikasan.
Paggalang sa buhay (Respect for life)Pick a competency from Grade 8 Values Education and get a complete Ilaw-format lesson plan in minutes.
Start Generating — Free